Arvin Rodriguez's profileThe AsylumPhotosBlogListsMore Tools Help

The Asylum

...quidquid latine dictum sit, altum viditur. braccae tuae aperiuntur...

Arvin Rodriguez de Vela

Occupation
Lists
December 11

tinamaan ng lintek

A wooden block (m=0.50kg) is put on top of a fencepost with a height of 1.5m. The bullet (m=.010kg) strikes the block from a perfectly horizontal direction and remains embedded in it. The block is measured to fall 1.6m from the base of the post. How fast was the bullet going?
 
yan ang mga problem solving tests namin nung high school at college.  kailangan mo ma-grasp ang concepts ng physics para ma-i-apply mo ito sa mga pang araw-araw na pamumuhay. tingnan mo na lang yang problem na yan, may pag gagamitan yan kahit paano.  kung mahilig ka sa CSI at mga detective series, talagang gumagamit sila ng computation at malalaman nila kung sino pumatay, paano pinatay at ginamit sa pagpatay. lupet noh.
 
physics ang pinaka favorite kong subject nung high school at college. bukod sa lagi akong exempted ako sa finals, i find physics very interesting. parang ang simple lang nya. sabi nga nila na lahat ng bagay ay nagsisimula sa pagsasalpukan o collision.  ang mga atoms pag nagkasalpukan, nag ce-create sya ng energy.  naalala ko tuloy nung una kitang nakita.
 
nawindang ang buong pagkatao ko nung makita kita uli.
 
i didn't know what hit me, pero ginusto ko pa din na mahalin ka. ang lakas ng energy. energy na pwedeng gamitin para mag-supply ng elektrisidad o kaya naman ay kumitil ng daang-daang libong buhay. unti unting umikot ang mundo ko sa iyo muli, na-aatract parang negative at positive charges. hindi ko ma control.
 
hindi ko ma-solve.
 
 
June 27

pandesal con karne

malas talaga ako sa larangan ng lab layp. may mga tumatagal pero hindi naman totoo.  meron din naman madalian pero totoong minahal mo sya higit pa sa iyong sarili. ang hirap.  hindi ko pa talaga nakikita yung sakto lang, yung matinong relationship. sabi nga ng mga kaibigan ko, "it will come ... in time. magdasal ka lang."  utang na loob, magte-trenta na ako sa september kaya chinika chika ko na lahat ng mga santong kilala ko.
 
sabi ko lay Lord, pramis bigyan nyo lang po ako ng matinong lab layp, pinapangako ko:
* hindi na ako mananarantado ng mga account managers sa trabaho ko
* hindi ko na babalahurain ang bandang cueshe', si erik santos at sandara park
* hindi na ako magyoyosi (kung hindi din sya nagyoyosi)
 
tapos biglang na realize ko, mali ang prayers ko. hindi dapat lab layp ang ipinagdarasal ko. ginawan ko ito ng fish-bone analysis, multi-vari analysis at kinompute ang process variance. mali nga ang prayers ko. madali lang pala ang solusyon.
 
kung nakadaan ka na sa edsa, makikita mo ang iba't-ibang higanteng mga billboards. mga billboards ng pantalon na low waist, brip, boxers at kung ano ano pa.  yung mga modelong lalake, makikisig at magaganda ang pangangatawan.  biglang nagkaroon ako ng calling.  kailangan ko munang magsimba...
 
... sa gym
 
wala kasi akong pande-pandesal na abs, isang malaking monay lang na kahit pang dessert eh hindi sya mukhang appetizing tingnan.  wala din akong dib dib na maihahawig mo sa steak - sa isang stick ng barbeque pwede pa dahil sa mga gulagulanit at kakapiranggot na laman.  kung ang iba naman ay may mga mala-siopao sa braso, may siomai naman ako. paano ko nga naman pasasabikin ang mga kadalagahan sa aking taglay na street-food at dimsum na pangangatawan? lasingan na lang, may laban pa ako.
 
nang sumweldo, nag enroll na ako sa isang sambahan, dito lang sa building namen. duon ay nakilala ko si bro. eric, ang aking gabay sa bagong pananampalataya.  sabi ko kay bro. eric, "kapatid na eric, dapat nyo po ako tulungan sa aking misyon na maging mala-adonis. turuan nyo po akong maging karapatdapat na magdala ng kaluluwang dalaga sa rurok ng kalangitan."
 
"ako ang papatnubay sa iyo, kapatid" and sagot sa akin ni kuya eric. dugtong pa nya "pero tatandaan mo na napakaraming tukso na madaraanan bago mo makamit ang iyong misyon. nariyan ang tukso ng masasarap na pagkain, ang mapanlinlang na alcohol at pinaka-kalaban mo sa lahat, oras sa trabaho. handa ka bang itakwil ang mga yan?"  "opo" ang mariin kong sagot. "tatalikuran mo na ang taba ng baboy, ang mantika ng chicken curry at chicharong bulaklak?!", medyo napaisip ako nun, pero sumagot ako nang "opo, tinakawil ko sila!". "handa ka bang magbayad ng dalawang libong piso buwan buwan?". medyo mas matagal akong napaisip ngayon. "andito na po ako, alam nyo na ang credit number ko at may debit na akong tatlong buwan kahit kakasimula ko pa lang, wala nang atrasan ito". napangiti si bro. eric.

wala pang isang oras ako sa gym pero pakiramdam ko ay magkakalas kalas na ang mga buto ko sa kabubuhat.  akala ko madugo na ang training ko sa ROTC, lintek mas malupet pa pala ito. iba't ibang klaseng bigat ng mga bakal bakal ang binuhat ko at iba't ibang klaseng mga posisyon ang pinag gagawa ko habang nagbubuhat. tinutulungan din ako ng mga ibang parokyano, sina ric at john, mga relihiyoso sa aming bagong relihiyon. iba't ibang pananaw din kame kung bakit namen pinasok ito. ako, sana madiscover ako ng mossimo at bench body. balang araw, picture ko ang makikita sa edsa.

sa loob ng siyam na buwan at labing-walong libong piso, napaisip ko. para akong nag te-threadmill sa king bagong pananampalataya. tumatakbo pero wala naman pinapatunguhan. sinusunod ko naman ang lahat ng bilin ni bro. eric pero sa kabila ng lahat, patpatin pa din ako. nawalan ako ng determinsayon at momentum. unti-unti ay madalang na ako bumisita sa iglesia. hinihikayat ako ng ibang mga parokyano pero nawala ang drive ko. minsan dalawang beses na lang sa isang linggo ako nag gi-gym. swerte na ang isa.

isang araw, sa paraiso ng metrowalk, tila may serpente na bumulong sa akin. "paaree, okay lang mag liempo. sarap nyan tas may chicken ka pa at dalawang tasang kanin, da best yan pare". "ngunit ang sabi sa akin ni bro. eric ay masama daw sa akin yan, kasalanan daw yan." sinigawan ako ng tinig "kamote, nililinlang ka lang nun! sa oras na kumagat ka dyan ay malalaman mo ang konspeto ng tama sa mali."

pikit mata akong nagparaya sa tawag ng tyan.

dahil dun ay napalayas ako sa kaharian ng pagandahan ng pangangatawan. tinanggap ko ang mapait na kaparusahan na manumbalik sa ordinaryong pamumuhay. ang inaasam asam kong maging malaman at maging malinamnam na karne ay unti unti nang naglaho.  nakakainggit pag nakikita ko ang mga  parokyano na masugid pa din sa pag gym. hindi ko man sila kilala pero gumaganda ang kanilang mga templo, tulad ng nakikita ko sa mga billboard ng edsa. tama ang sabi ng bro. eric. sa kasalukuyan, hindi na batayan ang talino, pag aari o lebel ng edukasyon para makapasok sa kalangitan, hubog ng katawan ang bagong huhusgahan.

so be it.

st. marc nelson, pray for us.
st. rafael rosell, pray for us.
st. john hall, pray for us.
san zanjoe del mundo, ipanalangin nyo po kame

April 12

what stolichnaya can do

it's funny how two people you thought could survive each other finally calls it quits.

i do miss the old you....the same way i miss the old me.

i never thought i'd grow tired of you. but then, what's left to hold on to?

i am more mature now and i don't need you anymore. that may sound a bit off, but in the last few months, i survived difficult times without you. let's just say I got used to not having you by my side.

to cut it short, we've grown apart.

but thanks for the memories. 

i did love you and you know that. i've said goodbye to you probably a thousand times, but this time it's different. you know why? because i'm not saying goodbye.
 
i'll just move on.

March 08

time to logout

naknam, o bakit ka na naman kinikilig dyan? ang tanda mo na para kiligin ah, utang na loob mag te-trenta ka na kung umasta ka para kang teenager. certified ka nang nagmumurang kamatis pre. hindi ka ba kinikilabutan?  eh bakit mo pa kasi hinanap ang pangalan nya dyan?
 
ah...nagkataon lang pala, 2nd degree friend mo sya at nagbigay sya ng testimonial sa isang classmate naten.
 
more than five years na kayong hindi nagkikita at nagkaroon ka na din ng mga girlfriends in-between, right?  sa pagkaka alala ko, ipinakilala ka nya nung isang barkada naten nung umattend tayo ng homecoming sa busko. nagulat nga ako sa iyo nun eh, ganyan ka pala pag kursunada mo yung chick, chope! pa shy effect na hindi ko maintindihan.  isang tanong, isang sagot.  pero  bilib ako nun sa iyo pre, ang galing mo magdala ng katorpehan mo, nagpa-cute ka ng husto at bumenta naman!
 
tapos ang balita ko na lang sa iyo nun, hinahatid at sinusundo mo na sa qc. tindi mo tsong, ni hindi ka nga marunong sumakay ng bus pero nakuha mong mag mrt para sa kanya. may padala dala ka pa ng bulaklak sa panliligaw - old school! eh pati ata yung nanay at ate niligawan mo eh, kaya pala bentang benta ka sa kanila.  eto matindi, konting tulog pa, nalaman ko na syto mo na pala ~err... girlfriend na pala.
 
pareho kayong career-oriented eh. pareho kayong boarder sa mga sariling bahay nyo. buti naman at may time pa din kayo sa isa't isa, pero kinakabahan na din ako sa inyong dalawa nun.
 
at ayun na nga, sa sumunod na homecoming, wala na nga kayo. hindi kayo nagtagal at ni wala kayong 'closure'. career din daw ang nakasira sa inyo.  nabalitaan ko sa isang barkada naten na nagpunta ka pa nga daw nung nag birthday sya, pero ni hindi mo sya nakausap man lang. yun yung gabing tinawagan mo kame at naginuman tayo sa bahay, lasing na lasing ka at parang bata kung humagulgol. hehehe nakakatawa di ba?
 
uy, may '5 Photos' sya. matingnan nga.
 
o ano, na he hurt ka pa ba? naknam, limang taon na ang nakalipas noh. malamang yung kasama nyan pinsan o kabarkada... check mo nga status.
 
married
 
o pano ba yan? so lumagay na sya sa tahimik. siguro pre ikaw din. marami pa naman dyan, hangover lang yan kay pam.
 
mag log-off ka na muna.
 
 
 
 
December 20

to the one who got away (again)

hi there,
 
i remembered you today.  not sure what really hit me, but despite my crazy working schedule, i remembered you.  its been more than two years since we last met and i only realize it now. two years and still i go back to you.
 
you know, i've never really understood what happened between us...how and why we came to this - not seeing each other for two years, barely talking, barely even on speaking terms. but then again, was there ever an us to begin with? we were just friends who tried having a relationship. even now it would make me smile to think how fast and how far things have gone from there.
 

i never knew if you loved me back, i never asked. i did not have the courage to ask.  at first it was because I truly believed there wasn't anything out of the ordinary that needed questioning, and when it finally dawned on me, it was too late.

 

you seemed to have changed your mind already. you stayed as far away from me as possible. this time I wanted to talk, clear things up once and for all, but you didn't want to. and no matter what i say, everything falls on deaf ears. it was then, i thought it was better to keep my silence, to just give you the space you're asking for.

 

but though i may not have said anything...i loved you with all my heart, and love you still, but i'm tired - i'm tired of fighting for a love that has lived its moment...of living on memories that are special only to me...

 

because of you, i promised myself a few things.i promised myself that i would never be afraid to fall or get hurt.i promised myself that i would take risks, seize opportunities, and conquer my fears. i must admit you probably won't be too far away from my thoughts, and that thinking of you will still bring that tinge of sadness and regret. but i'm okay. i'll be okay. loving again may take awhile though.

 

i miss you so much.

 

arvs

 
 
There are no categories in use.
No list items have been added yet.
Photo 1 of 21